|
Sayang
sayang ngayon lang tayo nagkatagpo, ngayon na rin magkakalayo; Bakit kaya Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana? O sayang Sana'y nakilala na kita Noong ako ay malaya pa; Katulad mo, Malayang nasusunod ang puso
Chorus: sana'y maaaring ibalik ang kahapon, at duo'y magisnan na ang pag-ibig mo; Sa dalangin ay hinihiling kong lumakad sanang pabalik ang panahon (oh--) Sana'y maaaring ibalik ang kahapon At iguhit na muli ang nakaraan; Sana'y kaya kong baguhing lahat Sa nakalipas nating kasaysayan, O sayang
Sayang Huling dumating ka sa buhay ko Ang pag-ibig na katulad mo; Bakit kaya, Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana? O sayang, Pagsuyong ngayon lang dumating, Hindi na maaaring angkinin, Ng tulad kong wala nang kalayaan pang umibig Sana'y maaaring ibalik ang kahapon, At duo'y magisnan na ang pag-ibig mo; Sa dalangin ay hinihiling kong Lumakad sanang pabalik ang panahon (oh--) Sana'y maaaring ibalik ang kahapon At iguhit na muli ang nakaraan; Sana'y kaya kong baguhing lahat Sa nakalipas nating kasaysayan, Talagang sayang, o sayang Sayang!
Title: Sayang Artist: Claire de la Fuente
Labels: Claire de la Fuente
0 COMMENTS:
|