Walang hindi man lang dumanas kailanman Magmahal nang tapat at ‘di man lamang nasaktan ‘Yan ay sadyang bahagi ng karanasan Minsa’y nadarapa, aano mapagagaang Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan
Muling buksan ang pusong minsa’y nagtampo Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo Walang hapding mananatiling nasa ‘yo Basta’t limutin mo ano mang sakit nito At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo
CHORUS Alalahanin mong ang buhay nati’y minsan lang Dusa’t ligaya’y kakambal ng nilalang Mahigpit mong hawakan ang ligaya’t sayang Kung umalis ito’y hindi magbabalik muli Kaya’t buksan ang puso at yakapin mo Ang kasawian man kung ‘yan ang natakda sa ‘yo Bukas magugulat ka pa paggising mo Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo ‘Di ba’t bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso
[Repeat CHORUS] [Repeat 3rd stanza]
Kung nasaktan ka man, ‘yan din ay magdaraan Puso’y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan
Title: Muling Buksan ang Puso Artist: Basil Valdez
If you have lyrics that you would like to be posted here on Pinoy Song Hits, send them to me by using the email below. You can also use this email to send in your requests. I'll do my best to find the lyrics you want:
All lyrics posted on Pinoy Song Hits are copyright of their respective authors and owners. Used only for educational purposes.