|
Ipaglalaban Ko
Ikaw ang pag-asa Nasa ‘yo ang ligaya Sa piling mo sinta Iyon ang pagdurusa
Madilim na kahapon ‘di ko naalintana Dahil sa ‘yo buhay ko ay nagbago
Chorus: Anuman ang mangyari ‘di kita iiwan Ipaglalaban ko Hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig Giliw ko
Aanhin ko ang buhay Kung hindi ka kapiling Mabuti pang pumanaw kung hindi ka sa akin
Repeat chorus
Ipaglalaban ko Hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig Giliw ko
Title: Ipaglalaban Ko Artist: Freddie Aguilar
Labels: Freddie Aguilar
Continue Reading Ipaglalaban Ko Lyrics...
Anak
Noong isilang ka sa mundong ito, Laking tuwa ng magulang mo. At ang kamay nila Ang iyong ilaw.
At ang nanay at tatay mo, ‘di malaman ang gagawin. Minamasdan pati pagtulog mo.
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo. At sa umaga nama’y kalong Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.
Ngayon nga’y malaki ka na, Nais mo’y maging malaya. ‘di man sila payag, Walang magagawa.
Ikaw nga’y biglang nagbago, Naging matigas ang iyong ulo. At ang payo nila’y, Sinuway mo.
Hindi mo man lang inisip Na ang kanilang ginagawa’y para sa iyo. Pagka’t ang nais mo masunod ang layaw mo, ‘di mo sila pinapansin.
Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo’y naligaw Ikaw ay nalulon Sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha. At ang tanong, “anak, ba’t ka nagkaganyan?”
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha Ng ‘di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo, Nalaman mong ika’y nagkamali.
Title: Anak Artist: Freddie Aguilar
Labels: Freddie Aguilar
Continue Reading Anak Lyrics...
|