|
Tag-araw
INTRO
Ikot ng mundo, tila ay bumabagal Ngunit alam kong ‘di na rin magtatagal Ang aking hinihintay ay makakamit ‘Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit
REFRAIN 1 Pilitin man ay ‘di mo na mapipigil Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang paggising
CHORUS Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw
Sana ang init mo’y aking maramdaman Araw na nagdaan ay ‘di ko na mabilang Sa ‘king paghihintay, ako’y nasasabik Pinapanalangin na ang ‘yong pagbabalik
REFRAIN 2 Huwag mo na sana sa aki’y ipagkait Ang tanging hangarin na ika’y makapiling
[Repeat CHORUS]
BRIDGE Hanggang kailan kaya ako maghihintay Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay
AD LIB
[Repeat CHORUS 4x]
Title: Tag-araw Artist: After Image
Labels: After Image
0 COMMENTS:
|