Akala ko ikaw ay akin Totoo sa aking paningin Ngunit nang ikaw ay yakapin Naglaho sa dilim Ninais kong mapalapit sa'yo Ninais kong malaman mo Ang mga paghihirap ko Balewala lang sa'yo
Ikaw ay aking minahal Kasama ko ang Maykapal Ngunit ako pala'y naging isang hangal Naghahangad ng isang katulad mo
Hindi ko na kailangan Umalis ka na sa aking harapan Damdamin ko sa `yo ngayon ay naglaho na At ito ang 'yong tandaan Ako'y masyadong nasaktan Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha Mababayaran mo Tingnan mo ang katotohanan Na tayo'y pare-pareho lamang May damdamin ding nasasaktan Puso mo'y nasaan…
Ayaw ko nang mangarap Ayaw ko nang tumingin Ayaw ko nang manalamin Nasasaktang damdamin Gulong ng buhay Patuloy-tuloy sa pag-ikot Noon ako ay nasa ilalim Bakit ngayon nasa ilalim pa rin Sana bukas nasa ibabaw naman
If you have lyrics that you would like to be posted here on Pinoy Song Hits, send them to me by using the email below. You can also use this email to send in your requests. I'll do my best to find the lyrics you want:
All lyrics posted on Pinoy Song Hits are copyright of their respective authors and owners. Used only for educational purposes.