[chorus] Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba Nang tayong dalawa’y unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon
[refrain 1] Ang mga puno’t halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan? [repeat chorus]
Ngayon ikaw ay nagbalik At tulad ko rin ang iyong pananabik Makita ang dating kanlungan Tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa?
[refrain 2] Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno’t halaman Bakit kailangang lumisan?
If you have lyrics that you would like to be posted here on Pinoy Song Hits, send them to me by using the email below. You can also use this email to send in your requests. I'll do my best to find the lyrics you want:
All lyrics posted on Pinoy Song Hits are copyright of their respective authors and owners. Used only for educational purposes.