Tila inulan ang puso ko nang nanlamig ang ‘yong pagsuyo o bakit nagbago ang yong pagtingin parang malamig na panahon
At nang ikaw ay kinausap ko habang ang ulan ay bumubuhos nakita ko sa yong mga mata na gaganda ang panahon
[chorus] Tila hihina rin ang ulan tila lilipas din ang bagyo kahit madilim ang kalawakan may nagtatagong sinag sa ulap
Tila inulan ang puso ko na parang naglaho ang pagibig mo o bakit ka kaya nagbago sinlamig ng panahon [chorus] Tila hihina rin ang ulan tila lilipas din ang bagyo liliwanag din ang kalangitan at ang araw ay sisikat nang muli
[bridge] Ang karimlan ay haharapin matatanaw ko rin bughaw na langit umaasang pagibig mo ay magbabalik
[chorus] Tila hihina rin ang ulan tila lilipas din ang bagyo liliwanag din ang kalangitan at ang araw ay sisikat nang muli
If you have lyrics that you would like to be posted here on Pinoy Song Hits, send them to me by using the email below. You can also use this email to send in your requests. I'll do my best to find the lyrics you want:
All lyrics posted on Pinoy Song Hits are copyright of their respective authors and owners. Used only for educational purposes.