|
Awit ng Barkada
i Nakasimangot ka na lang palagi Parang ikaw lang ang nagmamay-ari Ng lahat ng loob Pagmumukha mo ay hindi maipinta Nakalimutan mo na bang tumawa Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Refrain Kahit sino pa man ang may kagagawan Ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung Minsan ay nagbibiro Nandidito kami, ang barkada mong tunay Aawit sa ‘yo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa Kami’y kasama mo
ii Kung sa pag-ibig may pinag-awayan Kung salapi ay huwag nang pag-usapan Tayo’y di nagbibilangan Kung ang problema mo’y nagkatambakan At mga utang ‘di na mabayaran Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
repeat refrain
iii Kung hahanapin ay kaligayahan Maging malalim o may kababawan, Sa iyo ay may nakalaan Kami’y asahan at huwag kalimutan Maging ito ay madalas o minsan Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan
repeat refrain
Coda Kasama mo Kasama mo Kasama mo…
Title : Awit ng Barkada Artist: APO Hiking Society
Labels: APO Hiking Society
0 COMMENTS:
|